What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Friday, April 01, 2005

posted by letter shredder at 10:33 AM

Uh! Uh! Uh!


At last, na-update ko na itong blog. After a long time of ngaragan, nagkaoras din akong makapag-post ng mga kagagahan ko rito.


Dito ko na sisimulan... Cleng and I went to Sir Teodoro to submit the third draft of our thesis. Syempre, dapat before April 5 ay bound at nai-submit na namin sa Department. We requested Sir Teodoro to tell us what exactly would the revisions be if he finds some flaws or errors.


Kampante naman kami ni Cleng. Tahimik si Sir Teodoro at medyo kumukunot na ang noo, just imagine him doing that (if you're from Masscom, i bet you can). Okay na raw. For binding na raw...


And poof!


He became Koko Crunch!


Haaay... Seryoso na, humahanap lang ako ng paraan para tawanan 'to...


Immediately after editing and printing, pina-bind na namin. Nag-submit sa department. Tapos, sabi ni Sir... may problema kasi medyo vague pala 'yung findings at hindi namin masyadong na-explain 'yung sa analysis.


For that, binawi namin at sinabing babaguhin... (T_T)


Bound copies na 'yun... Sayang naman, pero naisip rin namin ni Cleng na nakakahiya rin kasi nasa thesis 'yung mga pangalan namin... Nakakapagod na...


Tinawagan ko pa naman ang nanay ko para sabihing maghanda na sila ng damit sa graduation... (T_T)


Haaay... Kung kelan naman akala mo tapos ka na sa lahat!






=============================================
HAPPY APRIL FOOL'S DAY!
=============================================


Tapos na ang thesis namin at for submission na... Actually, bound na rin at satisfied na si Sir sa findings. Pero medyo kinabahan din ako sa sinulat kong 'yun *knocks on wood three times*.


Eh nag-iisip naman ako ng panggago, hindi naman pwede 'yung buntis o kaya nalaman ko biglang hermaphrodite pala ako. Pero kung sakaling gawin nga 'yun ni Sir, feeling ko talaga eh dahil gusto n'ya lang talaga akong makita *wink*.


Hehehe... I-jeopardize daw ba ang thesis...


=================================================

On more serious matters...


Medyo nalulungkot na ako kasi ga-graduate na ako. Kahit na sabihing magkikita pa rin kami ng mga kaklase at kaibigan ko sa UP, hindi pa rin tulad ng dati na araw-araw may chance ka na makita sila at makakwentuhan.


Simula pa lang ng sem, may graduation anxiety na ako. Kaya naman nung midterms, it almost ate me alive. Thanks to some friends, they said it was normal. Baka nga nauna lang ako sa karamihan.


Haaay... iba 'yung feeling na tapos mo na lahat. Well, almost tapos na,'yung exams at requirements kumbaga. Masaya akong nanood ng TV (Full House, hehe) at kumain ng dinner. Para akong nakasinghot ng katol at nagpasalamat sa ilang tao, nag-sorry sa mga pagkukulang ko. Pero syempre, may mga akala-nila-tao-sila na hindi ko hihingan ng tawad (Deo Macalma, for instance *grin*).


Hahaha, patulan na ito!


*pause*


Nakakagaan pala 'yun ng loob! Now, I understand.


Hahaha!


Nasira na naman ang CNS ko.


Sa mga taong nakilala at naging kaibigan ko, nakatawanan, nakakwentuhan sandali...


Pinasaya n'yo ang college life ko. Salamat nang marami... Mami-miss ko kayo. As in!

0 revealed their disguise