What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Monday, March 07, 2005

posted by letter shredder at 7:21 PM

I crush you...will you crush me?

Nagparamdam sa akin ang crush ko nung high school through Friendster. Salamat sa Friendster. Dati, hindi ako makapaniwalang may matinong friendship o anumang relasyon na maaaring tumagal kung sa Friendster magsisimula. Akalain ko ba namang may professor sa Journ Department na maikakasal dahil sa Friendster. Naisip ko tuloy, lahat ba ng common friends nila ay invited? Invited ba lahat ng nasa personal network nila?

Balik tayo sa crush ko. Nangungumusta lang naman siya. Actually, mas madalas kaming mag-message before. Lately, sporadic na lang. Nung sembreak 'yung pinakamasaya, kasi tinawagan pa niya ako sa bahay. Tumawag din siya nung Christmas. Nakakatawa, kasi nung tumawag siya, umabot yata hanggang tenga 'yung ngiti ko. Buti na lang hindi niya nakikita. Pero sobrang saya yata ng boses ko na napansin niya. Sabi pa niya, "Parang ang saya-saya mo, ah." Hindi ko naman nasabing kasi tumawag siya. Sabi ko, wala lang.

Sabi niya, 'di raw yata siya makakauwi sa Pilipinas this year. Sayang naman. Sabi ko miss na namin siya ni Neneng, bestfriend ko. Syempre, nandamay muna ako.

Isa pang crush ko, nakita ko si Ron sa Katipunan last Saturday night habang nagkakape kami nina Edz, Kelly, Pogo, Yani, Kate at Julie sa Seattle's. Bago kami sumugod sa Katips, kasama namin nina Kate at Julie sina Virge, Rhea at Kristina sa Treehouse sa Matalino street. Nakakatawa kasi kung saan-saan ako nakakarating nang nakapambahay lang at tsinelas.

Nung hapong 'yun, sinamahan ko si Cleng na manood ng movie sa Film Center kasi International Women's Film Fest. Gusto ko ring manood ng sine pantanggal stress dahil nag-thesis mode kami magdamag. Inabutan namin 'yung Love Without Frontier. Aba, mukhang maganda. Nung nanonood kami, gusto ko nang batuhin 'yung screen at murahin 'yung mga bida. Sobrang chaka! Tinulugan ko na lang, kasi baka panaginip lang ang lahat. Pero paggising ko, andun pa rin 'yung mga mukha nila. Sumakit ang ulo namin ni Cleng. Okay lang na mag-thesis na lang ako buong buhay ko 'wag ko lang mapanood ulit 'yung movie na 'yun.

0 revealed their disguise