What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Monday, February 21, 2005

posted by letter shredder at 8:19 PM

Palagi na lang akong nasa gitna!


Pauwi na ako nang ayain ako ni Lec na sumama sa kanya para mag-edit ng ID's para sa concert ng Bamboo bukas. Kahit gusto ko na talagang umeskapo, sinamahan ko pa rin siya. Sabi ko sa sarili ko, minsan lang naman 'to. Nang paalis na kami sa tambayan, hinabol siya ni Jan, kasama niya sa Batch 6. At ayun, inabot ako ng mga taong nagtatanungan nang malumanay pero mukhang gusto nang magpaliwanagan at aabot sa bulyawan.


Sinubukan kong magsalita, pero ang lalabasan naman ay ang pagkampi ko kung kaninuman. After some short sentences, tumahimik na ako.


Tumuloy kami sa Shopping Center ni Lec, nang matatapos na kaming mag-edit, dumating sina Jan at Pon. Sabi nung dalawa, sila na lang daw bahala. Pero si Lec, in-exit lahat ng naka-open na file sa Photoshop, pati 'yung ginagawa namin. Hindi niya isinave! Nang nakaupo na sina Jan at Pon, sabi ko, tutulungan ko na lang rin sila dahil hindi sila marunong mag-Photoshop. Maya-maya, dumating si Lec, na nagyosi sa labas, at pinatayo ako. Sabi niya, 'wag ko nang ituloy.


Waaaaahhh!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina!


Nag-usap silang tatlo. Nakita ko si Vidal, kaya nag-usap din kaming dalawa. Tapos bigla akong kinalabit ni Lec, aalis na raw siya. Nagpaiwan na rin muna ako, mukhang mainit talaga ulo ni Lec. Hinanap ko 'yung dalawa, at nakita ko silang nag-eedit pa rin. Tinulungan ko na rin.


Waaaaaaahhh! Kanina, feeling ko mamamatay na ako sa kaba. Hindi ko kakayaning awatin 'yung tatlo. Alam kong hindi naman sila magsasakitan, pero paano kung umabot sila sa sigawan?


Lagi na lang ganito... Minsan sa gitna nina Summer at Ron, sa mga kaibigan kong nagpatulan at 'di nagkatuluyan, sa mga babaing pareho ng ex! Ano pa ba ang susunod?

==========================================

Bukas nang gabi, concert na ng Bamboo sa Bahay ng Alumni at tao ako sa exit. Parusa yata ng langit na kasama ko si "cool na cool" na Maki. Gusto ko naman 'yung trabaho ko. Hindi man ako na-assign sa backstage, nasa front pa rin ako. Buti na lang hindi ako na-assign sa likod. At least, posibleng makita ko talaga 'yung Bamboo.


Last Tuesday, nakita ko 'yung Rivermaya... Bukas, Tuesday rin, Bamboo naman!


Haaaay!!! Nakaka-stress ang araw na ito!

0 revealed their disguise