What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Wednesday, April 06, 2005

posted by letter shredder at 4:59 PM

title

wala na akong maisip na title. haaaay, tapos na ang college at gagraduate na ako kung maisa-submit ni bailen ang grades ko on time. por dat, sinugod ko na siya sa bahay kanina. hehehe...

marami-rami na rin akong mga kagaguhang nagagawa matapos ang kangaragan. swimming sa zambales, dumaan sa tagaytay, tumunganga sa harap ng tv, problemahin ang full house, mamyesta sa batangas at, sa weekend, may swimming with UG peepz.

marami pa akong activities na naka-line-up: interview bukas, business meeting sa ortigas (pero extra lang ako dun), family outing sa april 16, workshop sa 17, clearance sa 18, graduation sa 24, paghahanap ng damit next week, francis m. concert sa may 7, atbp.

hindi pa kasama ang pagpuntang EK, divisoria, recto, quiapo, palawan at cagayan kasi wala pang definite schedule. tinanggihan ko na ang boracay. may swimming pa nga pala sa cavite with STS groupmates (akalain mo), malapit sa puerto azul pero nakasalalay pa 'yun kay tati.

sa madaling salita, kailangan kong magkamal nang maraming salapi upang tugunan ang aking pangangailangang sosyal. nung isang araw, naisip kong humanap ng summer job. tapos, katangahan ko, naalala kong gagraduate na nga pala ako at hindi na summer job ang kailangan kong pag-isipan.

masaya yung swimming sa zambales. hindi planado. sabado yung swimming, friday afternoon ko nalaman. at may scheduled activity rin ako dapat nung weekend na yun at na-cancel minutes after i asked kung tuloy o hindi. i was with isa, yani, leo, mark, ken, manda and terry. in less than two days nalaspag namin ang aming mga sarili sa billiards, beach volleyball, wakeboards, night swimming, boating at pagsisid sa coral reefs. pumunta pa kami sa farm nina leo at na-amaze sa "amazing fruit." ang regret ko nang weekend na 'yun ay ang magpatangay sa alon (di ko tuloy natitigan ang coral reefs) at 'di ko nahanap 'yung nagbabantay ng farm ('di ko tuloy na-drive 'yung truck).

hemingways, the old man and the sea, i think i want to sleep.

Zzzzzzzzzz...

0 revealed their disguise