What's your favorite disguise? [/meta]
posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006
"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous
Monday, August 23, 2004
Sa Aking mga Kababata at mga Isip Bata
Pasintabi - siraan na ng layout ito.
Enter – Fairy Tale Music right here.
Simula ng Katapusan
Walang sorry-sorry.
Noong unang panahon, mayroong isang magandang babaeng nagngangalang Osang na nakilala ang BDDK (batang di dapat kinilala).
Isang gabing "pagkakamali", nalantad ang damdamin nila para sa isa't isa.
O: (habang hindi nagyoyosi) BDDK… nais sana kitang makilala. Nais kong pawiin ang iyong lungkot. Nais kong lagyan ng ngiti ang iyong nagdadalamhating mukha.
BDDK: Ah. Okay.
Ngunit, mapaglaro ang tadhana at si BDDK – nagbago ang kanyang isip. Sa bawat pagkakataong nais siyang makausap ni Osang, siya'y lumalayo, di nagpapakita o sumusulpot sa takdang panahon at lugar.
Kawawang Osang. (insert dramatic effect-echos here)
Napagtanto ni BDDK na hindi niya gusto ang nangyayari. Kaya siya ay nagsulat – pero hindi kay Osang, kundi sa isang bulletin board.
Isinulat niya,"Nalilibugan ako kay Osang. Naiilang ako sa sitwasyon. Kung mahal niyo siya, ilayo niyo siya sa akin."
Take note, sa bulletin board. (ng friendster – uyyy magchecheck sila mamaya.)
Nakarating ang mensaheng ito, hindi lang kay Osang, pati sa mga Sorority sisters niyang sina Alanis, Angelina at Winona.
Sabi ni Alanis, "Tara, hampasin natin ng fire extinguisher."
Sabi naman ni Winona, "Hindi. Ihampas na lang natin sa fire hydrant."
Sabi naman ni Angelina, "Ibaon na lang natin siya sa ilalim ng lupa – mas malalim, mas malayo, mas mainam." (Tapos kumain tayo, nagugutom na ako.)
Bago pa man naituloy ang plano, nagsulat na naman si BDDK, hindi ulit kay Osang, kundi sa isa pang bulletin board – ang Internet. (Oh the horrors!)
And we quote: "Hindi kita nakikita bilang asawa. Gusto lang kitang anu-hin kapag kasama kita. Nilalansing ako ng kapangyarihan. Kailangan kitang layuan. Baka may putok ako. I don't deserve your love. You don't deserve this either. Ayaw kitang saktan."
Muli, nakarating ito sa mga Sorority sisters ni Osang. Nag-usap sila sa phone, at ginawa ang istoryang ito.
Dude – walang sorry-sorry.Honest ka nga, ilugar mo naman. Honest din kami – hindi namin ilulugar. Mwahahaha.
Abangan ang napipintong pagbabaon!…
===
Disclaimer: amin to lahat. no part of this piece can be reproduced in any form without prior permission from the authors winona and angelina.
This is a work of fiction. Any resemblance to any person, living or dead, actual places and events are purely coincidental.
Kung tinamaan ka, mamatay ka na. (moreso, ibaon mo na sarili mo nang kusa. Wag mo na kaming pahirapan. Huwag mo na siyang pahirapan at gambalain pa.)
= = =
Ps – Stop killing Journalists.
PPS – we love you mareng catherine zeta jones.
Post a Comment
<< Home