What's your favorite disguise? [/meta]
posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006
"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous
Friday, July 30, 2004
'Yun na nga 'yung tenth cut...
Medyo na-surprise ako nang mabasa ko ang message ni Boo kanina. Ang hirap ko raw hagilapin lately... Partly true. Dahil may time talaga na nagtatago ako at gusto ko lang maghybernate sa bahay o kaya sa apartment. Lalo na 'pag may mga ayaw muna akong makausap, kasi hindi ko kayang magkunwaring okay lang ang lahat/ di ako galit/ marami akong sasabihin/ oo may pakialam ako.
Mataray na kung mataray, pero minsan hindi ko talaga kayang itago na nagtatampo ako. Sa case naman ni Boo, wala lang talaga akong oras. Minsan nakakamiss din 'yung mga usapan over the phone hanggang madaling araw. Minsan pa, gumagawa siya ng reaction paper at kailangan ko siyang gisingin sa mga kwentong di ko alam kung may saysay talaga. Nung summer, gumawa siya ng paper on the Napoleon Quinse advertisement. Mula sa simpleng kuwentuhan, nauwi kami sa discussion sa mga iba't ibang paradigms. Biglang nagflash sa akin ang mga natutunan ko nung Soc Sci 2.
Si Boo 'yung unang tinawagan ko para pumunta sa bahay dahil gusto kong umiyak. That time when I just entered the lion's den and when everything was a bombshell. Funny, but out of desperation, tumawag ako nang umiiyak.
Second time that I did to a male, and to someone outside my kin. The first was when my baby brother died. I had to call my high school research buddies--RJ and JM--to inform them that I cannot join them that day.
Tomorrow, Ice and I were suppose to watch "Spirited Away" at the Videotechque (did I spell it right?), but I had to cancel because one of my aunts requested my presence in the housewarming tomorrow (as if I had to cut the ribbons! hahaha!). She also wanted complete attendance from my cousins before she flies back to Cerritos next week.
Alloy was also asking me to support the training Smart is holding tomorrow. May derbs din sana dun.
And just last Thursday, PJ asked me to go to Maragondon for Vidal's birthday party. I also wanted to go there... But I have to prioritize.
Family first. Always.
Nakakatawa. Minsan wala akong magawa, minsan wala akong makausap. Pero 'pag may naghahanap naman sa akin, sabay-sabay.
Post a Comment
<< Home