Sobrang bad trip ko (na hindi naman talaga halata sa entry ko--sarkastek!) nung umuwi kami. Nakakainis! Accommodating naman 'yung mga tao, pero hindi talaga centralized 'yung pamamalakad, lalo na in terms of information on the subagencies.
Under DOST kasi, may 21 subagencies. And in order to get one interesting story, you have to go to each agency to find out if they really have a project that you can link to the ICT industry or to e-commerce.
Lo and behold! Cleng and I wasted more than three hours of our existence in the compound. Pag nag-inquire ka sa isang building, papupuntahin ka sa kabila hanggang bumalik ka dun sa una mong pinagtanungan.
May funny experience din dun... regarding the portal I mentioned earlier. Naghahanap kami ng canteen kasi sobrang gutom na kami. Tinanong namin 'yung isang guard kung saan meron. Sa likod daw. So kahit it was raining cats and poodles, sumugod kami sa ulan! *tantananan*
Nung nasa likod na kami, nakita ko, may saradong gate. Shit! Hindi ito 'yung canteen. Pero nasa'n na? Eh wala namang other building na malapit at nasa likod. May isang hut na may trail. Cleng, ayun 'yung canteen. Ako 'yung nauna, at nang malapit na ako sa pinto, may nakasabit na "STII canteen" sa maliit na papel. Pagpasok ko...
Puro familiar feelings... Very melancholic indeed!
Dito ba ako pumunta nung past life ko? Andito na ba si "the one?"
Inilibot ko ang aking paningin...
Alas! Para akong pumuntang Los Baños! Magubat ang paligid ng maliit na dampa.
Walang pagkain... May ref na konti lang ang laman, at may "annex" na gawaan ng burger.
Tawa kami nang tawa ni Mamoo. Wala nang makahihigit pa sa experience na iyon!
Habang kumakain kami...
Napaawit ako... PARAISO ng Smokey Mountain...
Bakeeet???
May linya kasi sa kanta na *kanta, internalize, emote* "a place made of cardboard floors and walls..."
So if you visit the STII canteen, you will be transported to Los Baños=Ternate=Indang.
Pwede nga rin palang Nayong Pilipino. 'Di ba andun, 'yung mga modelo ng sinaunang bahay? 'Yun siguro, pwedeng isunod after nung mauso ang bahay sa puno...
*peace*
Post a Comment
<< Home