What's your favorite disguise? [/meta]
posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006
"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous
Thursday, March 18, 2004
Annie
I always say it’s unfair to generalize… dahil wala namang pagkakataong pareho…
Pero paano kung iba-iba nga ng paraan, iisa naman ang kinauuwian?
Ayoko nang umiyak… nakakapagod…
Pagod na rin akong maghanap… baka nga ‘yung pinaniniwalaan kong meron, wala naman pala. Na ‘yung alam ko, akala ko lang pala. Na baka pinipilit ko lang talagang paniwalain ang sarili ko na meron dahil ‘yun ang hinahanap ko… dahil iyon ang gusto ko… at baka nga iyon lang ang pag-asa ko…
Paano kung ‘yung kinalakhan mo, mawawala na lang bigla sa panahong kailangan mo talaga… natuto na akong mag-isa… dahil wala na sila… siguro nga masyado akong umasa, pero paano mo pipigilan ang sarili mo kung bata ka pa lang, nandyan na, at sa musmos mong isip, nakita mo na ‘yung sarili mo na kasama sila…
Nakakatawa. Kung kailan napaniwala mo na ‘yung mga tao na posible ‘yung pinaniniwalaan mo, ikaw naman ang hindi na naniniwala sa pilit mong ipinaunawa sa kanila…
Masakit…
Dati, inilaban mo ‘yung gusto mo. Nang mag-isa. Nang inakala mong nandyan na, at nakita nga nilang totoo na, sumaya ka, sumaya rin sila… bigla namang nawala. Ilalaban mo na naman na hindi nga pala totoo, wala nga pala.
It pains you more when all you wanted was the best, of the cleanest intentions. That you wanted to help, because helping is enough to make you happy. The fact that you were chosen to help was enough to make you feel complete.
Sa paudlot-udlot na kwentuhan ng kabataan, naunawaan ka na ng marami… kung bakit mas marami kang kilalang wrestler kaysa sa mga kaibigan ni Barbie. Ikaw ang Annie ng maraming Shaider. Ikaw lang ang nakapalda sa basketball court tuwing lunch. Ikaw lang ang kasamang matulog ‘pag may practice ng banda. Ikaw ang niyayayang maglaro ng Tekken, sumamang mag-drive. Ikaw ang angkas sa motor tuwing pupuntang Tagaytay.
‘Yung pinakaunang tiningala mo, kasalukuyang nagbabagsak s’yo. Sa pamilya mo. Siya pa yata ang una mong tinawag ng “kuya,” at una pang tumawag ng “mommy” sa nanay mo.
‘Yung kausap mo sa pool hanggang alas-kwatro ng umaga, kinabukasan pa lang, nagsinungaling na s’yo.
‘Yung mga huli, hindi ka naman matanggap kung ano ka. Parang pag sinabi mong mahal ka, pero hindi ka gusto. Mas masakit, ‘di ba?
Ang hirap. Dahil sa oras na umulit at nagkaroon ng bagong sugat, ‘yung mga sugat na inakala mong magaling na at kaya mo nang tiisin, nananariwa na naman. Sabay-sabay pa. At ang mga nahuhuling sugat, mas malalim at mas malaki ang pilat.
Umulit na naman. Nadapa ka na naman. Ang lakas ng loob mong lumakad nang nakapiring, eh ‘yung guide mo pa naman ang hinahanap mo. Nang may makapa ka, tinanggal mo ‘yung piring, mali pala. Nagsuot ka pa ulit. Mali na naman.
Ngayon, hindi ko isusuot ‘yung piring, dahil kailangan kong balikan ‘yung pinanggalingan ko. Pero paano mo hahanapin ‘yung pinanggalingan mo, kung pumunta ka nang nakapiring? Lalong hindi pwedeng magpiring ka ulit at umatras.
Katangahan na ‘yon!
Alam n’yo naman kung paano ko pinigilan ang sarili ko. Kung paano ko tinuruan ang sarili kong hindi umasa. Pero nang tinawag ng panghuli ang pangalan ko, akala ko tama na.
Hindi ko na muna isusuot ‘yung piring. Pero hindi na rin muna ako lalakad. Mas masakit pag nadapa ka nang mulat na mulat…
Anu ‘t ano man ang mangyari, alam kong isusuot ko ulit ‘yung piring na ‘yon. Iuntog n’yo na lang ako ‘pag nagkataon. Kahit sampalin, pwede na.
Medyo lakasan n’yo, ha?
‘Yung nakakamanhid.
Post a Comment
<< Home