What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Thursday, March 18, 2004

posted by letter shredder at 2:23 AM

Ang Letter ni Kate…
(self-censored, with permission from the sender in respect to the copyright law… hahahaha)

Mahal kong Jacinta, (pakers!!!)

Anyway – nga pala, may mga bagong recruit tayo sa ating sosority na Sigma Delta Pantranco – si Tin, si CJ, at si Edz. Sobrang di makahinga si Tin kanina, sana nakita mo – priceless.

Wag mo nga rin palang kalimutan ‘yung Betty and Veronica Decide to Die ni Archie Padalhin. Tangina. Tawang-tawa ako dito. Ito ‘yung text na gumising sa kin today, lintek ka, alas-singko na ako natulog dahil kay Guioguio at sa lecheng website na ‘yan…


Creativity portion:

Pasensha ka na at di ako gaanong ka-creative. Actually, plano ko sanang i-embed ‘tong lahat sa HTML code – tipong me div tag at me table tag at me tr at td tags heheheh tapos NAKAPRINT siya so para makita mo ‘yung itsura niya sa webpage eh dapat mo shang I-TYPE ULIT hehehehhehe… astig sana yun kaso baka di mo na ako kausapin… mwahahahahah. (buti alam mo, eh pwede mo namang i-lay-out at ako na lang sa view source)

Semi-drama:

…Tama si allan popa – kung masaya ka di ka makakasulat. Nung January, nang panay ang arcade nating dalawa, panay ang uwi ng hatinggabi dahil gusto nating bagtasin ang katipunan mula mcdo hanggang the barn…

Masaya ako nung jan at feb, bago ang ngaragan, rememeber the fair? pasasalamatan na kita ngayon pa lang. Hindi ko talaga makakalimutan kung papano nyo ako pinagtulungan ni ice kaya nakarating sa eastwood ang jansport kong dilaw; at na muntik ko nang punit-punitin ang logbook dahil alas-kwatro pasado mo na ako pinauwi nung Tuesday night Fair na yun – promise di ko makakalimutan sina Karl Roy na sabog (at ang kanyang cellphone), si Ira Cruz mo (gwapo talaga!), si Bamboo na kamukha ni Brendan Fraser, at yung lalaking di natin natanong ang pangalan, yung nakaupo sa likod natin at… yun na. Heheheheh tangina, fresh pa rin sa memory ko yung… yung feeling na nase-sense mo yung pag-ripple ng grass blades beneath… heheheheh. Tangina talaga (sayang, naramdaman ko pa namang mahal ko na rin siya *sniff*). Anyway. Alam mo ngayong sem lang tayo naging ganito ka-intense ang bonding session – not to mention all those nights sa sunken garden, lalo na nung binato kita ng football sa mukha at 10pm… hehehehe. Lalo naman nung muntik mo na akong tanggalan ng ulo with jarjar your Frisbee, habang kinakantahan tayo ng ujp boys ng isang jologs na kantang pangpreso hehehe. Naaalala ko na yung hirit ni kirk sa atin, sa iyo lalo – parang naka-tira. Hahaha sa sobrang high.

Pasensha na, this is supposed to be a birthday letter. So okay, let’s talk about being 20. hehehehe. Is it really that bad, turning 20 too early? Hehehhe. Oo nga no, dalawang dekada, ano na nagawa mo (nanggago) di ba? Aside dun… sa lahat ng lalaking niloko mong bading nung grade school hehehehe… at sa mga taong binwisit mo nung high school… at mga nilinlang mo ngayong college… hay jaycee wala kang kupaaaas! Isa kang alamat! pero dapat mabait ako sa yo kasi ikaw ang may pinakamaraming anecdotes na pwedeng ipang-balckamil sa akin bwahahaha… simulan mo dun sa French fry incident sa mcdo. Ehhehe.( at nang madulas ka sa EDSA, bwahahaha!)

Drama proper:


Ako, personally, bilib ako sa yo dahil panganay material ka talaga. (di tulad ko, nagpapangagp lang ata ako na panganay eh pero mas mature pa sa akin si wy) mapagmahal sa mga kapatid – alam mo yung naaatim mo na sila yung inuuna? Sobrang dedicated sa pamilya… I guess ito talaga yung nag-shine about you, jaycee, lately- yung dedication mo sa pamilya mo, yung hanggang patayan talaga ilalaban mo para lang wala sa kanila ang maagrabyado… malamang nasabi ko na ito before, sulat ko na lang rin para permanente na –swerte ng pamilya mo sa yo, lalo na pa’t panganay ka, sigurado silang may maaasahan… kahit mag-Law ka man o hindi, panigurado makakatulong ka sa pamilya mo, panigurado makakatulong ka sa pamilya mo. Kung anu man desisyon mo tiyak instant back-up sila Nana at Gavin at Sydney ( na alamat din) et al… and of course us, kaming mga kaibigan mo, mga gago man at sawi (feel ko masisigawan ako ng, “nandamay ka pa! Ikaw lang!” –sige fine.) eh alam mo naman all you have to do is say, “may press release ako” (at hanggang sa mga kadramahan ko eh gumagana creativity ko, remember the teaser?) at lamo naman handa kaming makinig. I mean, for me, it’s the least that I could do to thank you for all those times na ikaw ang ginawa kong soundboard di ba. Among the many triats I like in you is your ability to listen without passing judgment (thank you!).

…in more ways than one, in ways far more touching, and in times too many to possibly keep track of – you have made me feel as if I were worth the time and effort to listen to, even if sometimes I myself like I’m stuck in a show that never ends and all that I ever get to show other people are reruns, but you never seem to get tired (right,hindi lang ikaw, kahit ako,hindi na nadala at natuto). Gusto ko lang malaman mo na naaappreciate ko lahat yun, lahat ng oras na ginugol mo sa akin, sa kagaguhan man o sa kadramahan… gusto kong malaman mo kahit hindi ako gano ka-vocal about it, that I appreciate the little things. Ikaw nga ata nagturo sa akin nun, appreciation of the little things (gaya ni mahal at mura—sipa!), yung paglubog ng araw, yung mga stars, yung bilog na buwan, lahat. (yung bulb at ballast, puno at dahon…hahahaha Jacobina!) salamat, marami akong natutunan sa yo.

Naalala mo nung fair, nung Friday, nung nagkagulo sobrang I was worried about her to near fucken tears and then you. Fucken. Brought her to me, hindi ko alam kung magwawala ako, tatawa, iiyak o mag-n-NR effect I cant remember how I dealt with that – I think I just said, “IKAW! Umuwi ka na…”

Tangina ang gulo. Alala mo nun, hindi ko alam kung ano gagawin ko sa iyo – gusto kitang sapakin at yakapin at the same time. Hehehhe, tangina mo dude, pero mahal kita for doing that (gay love!). If I never thanked you for that – well, salamat. It really meant a lot to me, you know.

So, um eto sa aking partner in crime and in walking along katipunan at 11pm, sa aking co-bushwacker, sa aking bogart ng aking rudy (o sa rudy ng aking bogart? Tangina nakalimutan ko na), kay wallflower na aking shifter>>> Mag-arcade tayo minsan. Ayoko na kay Julia chang, pasaway (not to mention hormonal). Happy birthday dude…

Dude, I may have appreciated those simple things nature has given us, pero it really helped me to know that there are people who are open to appreciate them, too. Those who are open to the thoughts of others. In this complicated word, if people won’t learn how to appreciate simple things, sooner or later, these people will never learn to face reality. They would never learn how to be happy.

Salamat sa cd, alam mo namang matagal na akong naghahanap ng Jagged Little Pill. Haaaay, kaya ngayon pa lang, ‘wag kang magugulat kung ‘yun na nire-recite ko sa klase at doon na galling citations ko…hahaha! Paniwalaan kaya ako ni Sir Teodoro? Scenario: Sir Teodoro asking the class what they can say about the recent sea tragedies. Jaycee: Sir, according to Alanis Morissette, it’s like rain on your wedding day; it’s a free ride, when you are already paid; it’s a good advice that you just didn’t take.. Bwahahaha! Kukunot na naman ang noo ni Auntie Jane.


Sobrang alam n’yo naman ‘yung mga frustrations ko. Alam n’yo rin kung anong ginagawa ko about them at kung ano hitsura ko ‘pag wala akong magawa. Alam n’yo kung bakit madalas eh feeling ko, isinumpa ang masscom dahil konti lang lalake at walang mahilig sa banda! Eh ten years old pa lang ako, sa idea na ng pagkakaroon ng sariling banda umiikot mundo ko. It is very rare to find the people who are really passionate (the term!) about bands. Hindi ‘yung tunog tao.

Para sa (mga) babaeng pumalakda sa EDSA after watching Sanib, at namumulot ng French fries na nahulog na sa sahig at kumakanta ng “I’m comin Out” from time to time...SALAMAT!!!

0 revealed their disguise