What's your favorite disguise? [/meta]
posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006
"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous
Monday, March 15, 2004
Multi-tasking
Typing while singing, texting and listening to my cd’s.
March 13, 2004
Whew!!!
I started the day, my birthday, at 12am. After monitoring The World Tonight and consolidating data, RJ from UPLB, who happens to be in QC to perform in Timog, fetch me and Kate (+Angeli) from Julie’s place. I know I had to ask RJ on certain issues involving him and Shayne. Kailangan ko lang ng ilang sagot para linawin ang ilang bagay-bagay. At literal ang pagtaas ng kilay ko nang makita kong may babae, si Aileen, sa kotse.
‘Yung simpleng mga tanong ko nauwi sa diskurso (thanks to my mobile, interactive sleeping pill professor). He first asked me to join him in Timog, pero dahil DORK mode ako, hindi pwede. Sayang talaga, jamming talaga ‘yon! May isang taon na rin akong hindi nakakakanta sa banda. Nagkasya kami sa pagpunta sa apartment, nag-usap sa kalsada. As usual, hinila na naman ako malayo sa lahat. At hinayaan kong magkakilala (na nauwi raw sa “pagniniig”) sina Kate at Janmic.
Akala ko tapos na ang kwento, pero hindi pa pala. Sabi ni RJ, “Okay lang bang hiramin oras mo?” dahil alam niyang gagawa pa nga kaming website (ng flood control sa Iloilo!). Nakinig na naman ako sa walang katapusang away nila ni Shayne.
As I remember, he asked me, “Kilala mo ba talaga si Shayne?”
Sabi ko naman, “Hindi ko na alam.”
And he narrated his rants that include abortion, distrust, the “boylets,” and thrusts (hmmm)…
Nakakatuwa. Hindi na bago ‘yung mala-Tiya Dely kong role, pero ang saya na malamang ako ‘yung piniling sabihan ni RJ, at hindi sa buong tropa. If I’ll choose to look at it the negative way, makikita ko lang na andyan na naman siya dahil may hihinging favor at magbubuhos ng sama ng loob.
I chose to look at it the positive way. Because it meant that I was important, and he admitted that he really needed someone to talk to. “Pasyal ka lang dito o kaya puntahan mo na lang ako sa bahay,” sabi ko na lang. Nakikita ko kasi sa mata ni RJ na paiyak na siya, something guys rarely do in front of girls. Dinadaan na lang niya lahat sa pagkain ng chips, pero halata pa rin. Parang wala naman ‘yung atensyon niya sa pagnguya. And he hardly noticed that he has eaten all the chips.
In the afternoon, RJ was asking me to decide for him, but I resented the idea. All I can do is watch and remind him sometimes.
(You by Evanescence—unreleased, yes, may cd ako nito before amy lee requested it to be pulled out, kaso walang mahanapan ng lyrics)
Time check: 2:30 am.
Pinauwi ko na sina RJ. I really wanted to talk to them and could have joined them perform in Timog pero I had to prioritize that website project because of a very short notice from them.
3am na, pero hindi “Matchbox” ang drama ko today. Dahil noon lang namin nasimulan ang website na due at 9am. Classic!
At 6am, meme na kami. Simeco kami ni Kate (ang bilis, noh?).
Putcha! 7:15, gising na ako at hindi makatulog. Tumayo ako at nag-ayos ng gamit. Delubyo na sa kwarto!
(Let Her Cry by Hootie and the Blowfish)
(Brick by Ben Folds Five)
9am, pumasok. On my way to school, Oman texted he wanted to eat lunch with me. Marami daw siyang problema. Haaay… what’s new?
Sa class, ginawan ng paraan kung paano ipe-present ang website. At ang nasabi kong reason, *insert thunder here* audience segmentation! Barbero!
(Tea and Sympathy by Jars of Clay)
At 11:15, nasa canteen, kausap sina Julie at Sam. Bangagan. Rants. Bitterness. Tsk. Tsk.
(Awit ng Kabataan by Rivermaya)
12:05pm, dumating si “mahal kong kumag,” kumain kami sa Katipunan. Syempre, libre.. ni Oman. Chicken Inasal (inasar!). at nagkakwentuhan na kami, tungkol sa lovelife, lovelife at lovelife ni Oman. Nagkaliwanagan. At umamin na may sinadya siyang hindi ikwento dahil magagalit daw ako. Ang santong kilala ko, gago rin pala. Nagkwento na naman. We were talking about virginity over lunch! Sana matunawan ako! Nilinaw kong hindi lahat ng lalake at babae eh nagkakasundo lang para maging mag-boyfriend. Pwede naming dahil pareho sila, at nagkakasundo. They probably like each other pero not in a romantic sense. And this is what I’ve been proving people eversince. And I think, nagsi-sink in na sa mga blockmates ko. Dahil ‘pag sinabi kong boylet, not necessarily boyfriend material. It’s either rocker na kasundo sa music o komedyanteng walang stage.
(Crazy for You by Spongecola)
(Name by Goo Goo Dolls)
1:15pm, we rented a VCD that we could watch in the apartment. Lahat ng gusto ko, napanood na niya. Lahat ng gusto niya, napanood ko na rin. Toss-coin. Si Oman, pipili. “First Time” daw. Goodluck! Finding Nemo uwi namin. Dapat pala hinayaan ko na lang siyang manood nung First Time at natulog na lang ako. Pero astig naman ‘yung movie, at may memory akong kailangang patungan.
(Linger by The Cranberries)
Sa apartment, ayun na! Nakahilata kami ni Oman. Ang saya! Ang tagal ko nang hindi nagagawa ‘to, manod ng sine with guy friends at maghihiga with guy friends. Everything is really turning out more than I expected. Matutulog dapat ako pero paano ko ba palalampasin si Dory? Nagtetext na naman si RJ. Habang nanonood, niyayabangan ako ni Oman ng mga babaeng may crush sa kanya. Maya-maya, humirit si Oman,, “Hindi na talaga ako nanalo s’yo.” *EVIL GRIN*
(All I Want by Toad the Wet Sprockets)
4pm, tapos na movie. CD’s naman trip. Maliligo na ako. Kahit nasa banyo eh nag-aasaran kami ni Oman. Bilisan ko raw, eh dinadaldal naman ako. Pinalabas ko si Oman, kasi magsusuot akong pantalon. Tawa lang siya. Binibilang ni Oman ang mga nagko-confide sa akin. Isa-isahin natin: Alan, Shayne, RJ, Oman, Clefarie, Neneng, Neal, Jayvie, Noril, Pearl, Henry, Tati, Ticoi, . Nakakarami na rin pala ako. Hindi pa kasali ‘yung collge friends, blockmates sa UP, at ‘yung mga nagiging classmates ko sa Psych 101 (1), Math 11 (2), Psych 150 (1), Soc Sci 2 (1), etc. Hindi raw niya alam kung bakit. Kahit ako nahihiwagaan, to think na ako ‘yung walang boyfriend. At ang hirit ko: “Nakakadala kasi kayong pakinggan!” Hahahaha!
(Ironic by Alanis Morisstte)
4:30, umalis na kami ng apartment, balik na sa UP. Bumili ng tig-isang canned soda. Sagot na naman ni Oman. Nagtataka na ako. Bakit ba extra sa bait nito? Bumabawi na ba?
(King of Pain by Alanis M.)
5:20pm, bumalik kami sa MassCom. Andun sina Kate, Cleng, at Julie. Sabi ko kay Kate, the day started right. I am so happy. I just hope it would end right. Nag-practice na naman si Julie sa soda can. Palpak na naman.
(Perfect by Alanis M.)
Nagyaya si Oman sa Lagoon, gusto niya raw pumunta doon… Ako naman, niyaya ang mga bruha. Sumama si Kate.
(Uninvited by Alanis M.—astig sa timing!)
Bakit ba gusto ni Oman na lumakad mag-isa? Ngayon lang ba siya nakakita ng mga puno? Biglang pumihit si Oman, may kinukuha sa bulsa. Tumingin naman ako. At ang bumulaga sa akin ay ang mga bangag na classmates ko noong high school! Sina Neneng, Clefarie at Dei. May mascot pang si Neal. May hawak silang mga lobo. May “Happy Birthday Jaycee” na nakasabit sa puno. May (cup)cakes with candles. May chips. At may nitso ni Danielle Steel?
(Hands Clean by Alanis M.)
Nagulat ako. Hindi ko na alam kung iiyak ako, tatawa o wala lang. Parang nagpatung-patong na. Sa TV, dapat umiiyak na ako at nagbibigay ng speech. Pero... Basta! Hindi ko na maipaliwanag. Basta alam kong masaya ako. I feel so blessed and it seems that everything paid off. Everything I’ve done for other people. It is even more than I deserve.
(Paglisan by Color It Red)
Nagbulgaran ng mga kapalpakan at kung sino ang may pakana ng lahat. Si Oman, pinabibili palang drinks pero ako lang ang ibinili ng canned soda. Kasali ba ‘yun sa plano para hindi ko mahalata? At si Neneng, my bestfriend since first grade, galing pa sa Cavite. She went to Diliman just for the surprise.
Shit! Do I really deserve such time and effort?
I ordered pizza. Had I known they’d be coming, then it wouldn’t be a surprise anymore! Hahaha! Well, had I known they’d be coming, I would have bought food and drinks.
(I Need You Here by Color It Red)
Kuwentuhan. Asaran. Kulitan.
Later, may fireworks display! Sila rin daw may pakana. Piankiusapan daw nila ‘yung natitinda ng balot sa may theater. Sobrang cosmic intervention na ito! Nakakatuwa. Basahin ko na lang daw yung message sa fireworks. J-A-Y-C-E-E. Ayun daw blood type ko. Ang password ko. Signature. Friends sa Friendster. At ang pinakamakulay na “period” to end everything.
(Ganyan by Color It Red)
I’m so lucky to have you guys. Speech ko na. Wala talaga akong masabi. I cant find the right words. Words are not enough to say how I appreciate your efforts.
I miss my high school friends. Basta ‘yung hindi ko masabi, gagawin ko na lang. Babawi ako.
(Sumigaw Ka by Color It Red)
Around past 7pm, lakad na kami ni Kate sa Sunken. Naintindihan niya na raw kung bakit ganito DNA coding ko. Pero hindi siya makapaniwala na galing kaming lahat sa Science high school.
(Unat Huli by Color It Red)
I met Ron and Mon. Syempre kasama ko si Sector Two (who wasn’t playing dead then). Kumain kaming isaw. Can’t eat much, though. I had two slices of pizza at the Lagoon. Masyado na rin akong pagod. Masyado pa rin akong elated.
(Na Naman by Color It Red)
They had to go to a party kaya their stay was short. Nagyaya si Kate sa guesthouse, kailangang mag-CR. Hindi ko kasi sinamahan sa Educ. Magkasakit na siya sa bato, pero talagang hindi ako sasama doon. Ayoko pang mamatay sa takot!
(Hand Painted Sky by Color It Red)
Hindi na namin makakasama ang mga alipores namin kasi pagod sa graduation ng ROTC. Kaya naman pineste namin si Ate Tine sa guesthouse, at ipinakita ko sa kanya ang Jaycee na sinasabi niyang prim and proper. Hahahaha! Bangag.
(Ginuhit ng Langit by Color It Red)
10pm, umuwi na rin ako… Pagod na rin eh. Basta masaya ako… Sana tuluy-tuloy lang.
Salamat talaga!!!
Lahat wala sa plano ko. Dahil ang gusto ko lang mangyari, maghihiga dun sa Sunken habang nagbibilang ng stars at iniisa-isa ang mga nagawa ko na at mga sisimulan. Kahit ‘yung plano ko, hindi natuloy… Sad… Pero I had to understand. Pagod ang mga tao at may mga lakad pa rin sila.
After today, kailangan ko na ring pag-isipan ‘yung mga plano ko sa buhay. At ang naghuhumiyaw na idea ng “Law school” after college. Ang buhay sa banda. ‘pag nagkataon pala, magkakaroon ng isang lawyer na rocker. Lawyer na vocalist ng banda. Asteeeeeg!!!
Thanks, people! You made my birthday really memorable. Hindi ko na ‘yun makakalimutan. Lalo na kayo…
Salamat, uli.
Post a Comment
<< Home