What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Saturday, September 20, 2003

Statement of Assets and Liabilities [Pasintabi sa kumakain…]

posted by letter shredder at 12:18 PM

Haaaayyyyyy!!!


Itong mga oras na ito eh napagdesisyunan kong simulan ang assignment ko sa Journ 121. Pero heto ako, gumagawa na naman ng kabalbalan… Matapos kong ihanda ang aking sarili sa isa na namang madugong bakbakan sa harap ng computer [natawagan ko na ang Red Cross para sa aking naghihingalong article], eh kinareer ko muna ang mga kaisipang pilit bumabagabag [???] sa aking kalooban.


Para sa hindi nakababatid, ang mga sumusunod ay pawang may katotohanan, kahit gaano man naisin ng mga taong yan na tumanggi. Ganito ko kayo kamahal…


LAGLAGAN!!!


Ang pagkakasunud-sunod ay batay lamang sa pagkakaayos sa block picture sa AS steps at hindi dahil sa nauna ko silang naisip. At hindi ako defensive, ‘di ba?


ASSETS:


Lawrence—the [w]rapper, hindi lahat ng block eh maswerte na magkaroon ng isang member na kamukha, kasing-ngiti actually, ni Carlos Agassi at na-canonize sa Rome. Carlaws!!! Here we go! Here we go!Pizza, pasta, chicken…


Cleng—ang "Putik Queen." Ang favorite song niya ay “Ikakasal Ka Na” ni Jessa Zaragoza. Mahilig sa coffee [hmm…] at madalas niyang pangaraping isa siyang singer na nagpe-perform ng “Total Eclipse of the Heart.” Sa kanya nagmula ang pinakamatibay na pantali sa buhok na ginagamit ko—ang strap ng kanyang bra.


Kate—kung may isa mang makakabasa ng nasasaisip ko, siya na ‘yun. Itong partner kong Bushwacker ang madalas kong kabangagan at malas ng sinumang kakausap sa amin ‘pag magkasama kami. Siya rin ang takot sa Sto. Niño dahil may dala raw itong detonator. Siya rin ang founder ng Simangismo—ang mga paniniwala ng mga fans ni Simang. Siya rin ang santa ng mga walang lead [catchy, first sentence ng isang article] kaya abangan ang kanyang rebulto sa window ng Journ department, College of Mass Communication, UP Diliman. Just what do you mean when you said you stopped doing Noynoy Aquino?


Melodie—ang tagapagdala ng panutsa. Isa siya sa mga bumuo ng manual ng mga taga-Batangas ukol sa lihim na relasyon. Isa siya sa mga magaling tumakas at magpalusot. Kung wala siya, wala akong pwedeng i-blackmail na kahawig ni Carol Banawa. Asan na ba si Dante?


Limee—patunay na ang mga katipunera ay hindi lamang nabuhay nung panahon ni Bonifacio. Siya ang tanda na nasa tabi-tabi lang si Jeng.


Venus—siya ang madalas kong tuksuhin kay Lawrence [peace, mga mare]. Dahil madalas ay kaklase ko siya, isa siya sa mga nagtitiis sa mga hirit ko.


Therese—siya ang nagbigay solusyon kung paano ko lulusutan ang College Secretary. Ang dati kong rason na ayaw ko sa professor ay pinalitan niya ng, “Sabihin mo may gusto sa ’yo si Sir.” For that, nabawasan ang mga problema ko.


Albert—paano ba naman makalilimutan ang blackhead, este blockhead? Sa kanya ko nakita kung paano maglakad ang isang taong galing sa hazing nang makita kong pasa-pasa ang katawan niya after ng streetdance at kung paano siya humawak sa railings upang makalakad. Correction, nakita ko sa kanya ang isang lalaking na-hazing nang bagong binyag [yung second binyag ng mga lalake].


Jeng—isa sa mga kachikahan ko sa Smallville. Siya rin ang inaabangan kong magsalita ‘pag galit. Siya ang tanda na nasa tabi-tabi lang si Limee.


Hannah—ang sugo ni Martha Cecilia. Kung may na-miss kang basahin sa series ng nasabing author, siya na ang hanapin mo.


Wendi—ang tagabili ng aking vitamins—KASOY! Magkasama kaming nagmarunong nang kunin namin ang PolSci 14 nung freshmen pa kami. Palawendi…


Jobert—kung wala siya, wala akong maisusulat sa liabilities.


Tin—isa sa mga nagmaster sa paghawak ng megaphone. Isa sa mga humihingi ng konsultasyon. Kung hindi ka nakasama sa rally at kailangan mo ng article about it, sa kanya ka na lang pumunta.


Melay—mahilig sa seminarista,ever willing mag-donate ng lungs. At ang paborito niyang kanta ay ang “Ben” ni… [pasalamat ka hindi ko alam pangalan ng girlfriend nun]. Sa kanya gumagana ang “tara, McDo tayo” powers ko.


Julie—kung lunch time eh nawawala ako, si Kate, si Cleng at si Melay, andun kami sa bahay nina Julie—nagpi-PC [pancit canton]. Maraming willing siyang ihatid pauwi lalo na kung 5:30 na ng hapon at hindi pa nakakauwi upang manood ng Meteor Garden.


Yen—ang Marcova ng block. Hanep sa powers. Gumagamit ng Axe floral na aerosol at Clean and Clear foundation for men.


Kat—ang historian ng block. Kung may balak ka ring magpa-carbon dating, sa kanya ka lumapit.


Aimee—ever blooming ang love life, ma-appeal lalo na sa mga crime beat reporters sa Crame.


John—pinakamahirap awayin. Pag ginawa mo ‘yun, ang pagbukas ng iyong mga mata ay nangangahulugan ng kamatayan. Makikita mo ang kanyang pagmumukha sa EDSA, sa dyaryo at maging sa t.v. Siya yung lalaking nakabuka ang bibig habang nakatingin sa cellphone sa ad ng Globe. Siya rin yung nasa ad ng AMA, hindi ‘yung tatay ni Judy Ann, hindi rin yung robot. Isa siya sa mga nakaupo sa couch na naglalaro ng playstation.


Tet—kung katawan lang ang pag-uusapan, siya na ‘yung kinaiinggitan ng lahat. Kung kailangan mo ng kausap about anime, nakahanap ka na ng katapat mo.


Isa—repressed kuno. Depress pala. Siya ang coñong fan ng Meteor Garden at ni Martha Cecilia. Huwag mong gagalitin kung ayaw mong magawan ng article sa Philippine Collegian. Bida rin siya sa internet dahil siya yung naghahanap ng liquid soap sa mga c.r. ng UP.


Almi—siya ang punong patnugot ng manual ng mga taga-Batangas. Idol ni Melodie. Ang baby ng block na nauna pa sa Mamoo at sa Elder na magkaroon ng boyfriend. Marami na siyang friends sa Infirmary.


Cyril—si Mulan. Kaya niyang magsulat ng nobela sa isang ¼ sheet na papel. Sa likod ng papel na yun, may 2nd book ka na dahil ang sulat niya ay kasing liit ng mga mata niya. Medyo antukin kaya laging pikit sa mga pictures.


Val—ang Christina Aguilera ng block. Madaling makilala, hanapin ang pumapalantik na mga daliri habang ang mga kamay ay tuwid na tuwid sa kanyang gilid.


Cathy—siya si “ganda” sa buhay ni Val. Si Val, ano kaya sa buhay niya? Ganda rin?


Jay—si Piolo Contis ng block. Laging mabango.


Alloy—ang official Dadu ng block. Si Fishda. Sa kanya ko natutunan ang silbi ng speed dial sa cellphone. Hanapin nyo siya at magpaturo, tiyak na dadali ang [sex] life mo.


Stephen—kung nais mo ng fratman na boyfriend, siya ang hanapin. Marami siyang kilala. Siya ang kalaban ko sa “Tic Tac Toe Open Cup” every Friday, ‘pag hindi namin maintindihan ang palabas sa film class.


LIABILITIES


Jobert—wala lang akong masabi eh. Bida ka naman dahil binara ka ni Cheche Lazaro. Napakaswerte mo!!!


Hindi ko alam kung tama ang ginawa kong paglalagay ng tag board sa aking blog, dahil sigurado, pagkabasa nito, nangangati na ang mga kamay nila na gumanti at sasakit na ang aking mga mata sa pagbasa ng mga PASASALAMAT mula sa mga taong nabanggit.


A Yeban would always be a Yeban.


Block love.

0 revealed their disguise