What's your favorite disguise? [/meta]
posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006
"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous
Tuesday, April 26, 2005
I'm already at the other side of the bridge...
...trying to cross another bridge...
Just realized that "Let's cross the bridge when we get there" is the most often excuse one could ever give. Now that I have graduated, tapos na ang pagiging kolehiyala ko at ang mga excuses na estudyante pa lang kasi ako.
I have not searched for a job seriously using the excuse "pagkatapos na ng graduation."
And just last Sunday, graduate na nga ako. Kaya naman nung gabi ring yun, hindi ako nakatulog nang matino. Kakaisip. Sabi nga ni Kuya Pax, "the world won't wait for you," coz he wants me to break a leg as soon as possible. Kahit na natatahimik ako tuwing le-lecture-an niya, I really appreciate his "mentoring stints" for me. I have always asked for one.
Simula na rin ito ng tunay na sense ng blogs, updates sa mga taong hindi na makikita on a regular basis.
==================================================================================
Alam ko, at alam nating lahat, may problema tayo na hindi natin makuhang pag-usapan.
Dapat ba tayong matuwa o maiyak na nangyari 'to kung kailan tapos na ang lahat?
Wednesday, April 20, 2005
Bakla ako today!
Yes, I definitely am! Dahil gumawa ang classmate ko nung gradeschool ng makabagbagdamdaming testi sa friendster. well, last time na nakita ko siya ay noong reunion ng batch nila sa st. francis. they invited me and neneng even though we transferred to another college.
well, kahit pa sabihing mushy yung testi nya, sobrang naappreciate ko. kasi naman, we never had the chance to thank each other and i never realized until now that he thought of me that way.
=============================================================
at talagang bakla ako ngayon...
dahil may bagong PAPA!
=============================================================
galing kami ni edz sa ortigas kahapon para sa interview for a project of the commres department. gagraduate na at lahat, may project pa rin. voluntary daw yun.
habang nandun sa san miguel ave. ay hinahanap namin ang emerald ave. may hinahanap itong si edz... GULO! gusto niya raw magkwintas na may pendant na mata or paa. suggestion ko naman, rib na lang kasi mas uso yun. medyo ethnic pa.
=============================================================
yesterday, i was listening to a speaker named Tobey. He mentioned a book that I don't quite remember. Lalo na 'yung author, but i shall find that out.
Sabi niya, hindi raw siya nawawalan pag-asa para sa Pilipinas. Sabi ni Tobey, the difference between an opportunity and obstacle depends on how we look at both words.
He said that in every opportunity, there is an obstacle. So one may also find an opportunity in every obstacle.
At marami raw obstacles ang Pilipinas.
I agree with him and that author. In my case, probably opportunities to meet people, renew ties, admit faults, say sorry, laugh and even cry...
Hope i find other opportunities... Same with my Mulan... You know who you are...
Naiyak ako dun sa creative writing paper mo...
Just always remember, I'm here. Just here... I am one trike away... *wink wink*
ciao...
Tuesday, April 19, 2005
Whew! (Hindi ito plate ng kotse ni Alloy)
Ilang araw na lang, farewell college life na. Hindi na ako kolehiyala! Ilang araw na lang after grad, putol na ang allowance! Nag-iwan naman ako ng malaking puwang para sa pahinga at may kaunting nakasingit na activities. Pinaka-inaabangan ko na ang trip to Palawan. Finally, napag-usapan na. ‘Yun nga lang, May 5! Conflicting sa schedule ko kasi may concert si Francis M. sa May 7. Assigned na kasi ako sa entrance ng concert na ‘yun at sobrang tagal na akong nasabihan. Bakit naman kasi Thursday at Friday lang ang biyahe ng Superferry papuntang Palawan? May option na humabol ako by plane pero andami ko nang mami-miss na activities. Lalo na ‘yung underground river. Ahhhhh!!! Eh ako pa, may ‘all or nothing’ na drama!
Ayoko munang isipin ang trabaho pero nakakakaba naman na walang trabahong makuha. Sina Alloy at Cy, magsisimula na sa May 2, a week after graduation. Si Mhel, nagsimula na last week.
Kahapon, I met Jen, Soleil and Jovi to discuss our batch project sa Underground. At ‘yun nga, we are to produce a compilation cd of UG bands. There are already 14 as of the moment and only 2 would need to record. Ang problema naman namin ngayon ay saan mamumulot ng pera. Kaya nangangailangan kami ng mabigat na sponsorship! Ang estimation namin sa cd production and replication ay P35,000. Wala pa dun ang launching. I’m heading the promotions committee, kaya kailangan ko rin ng mga contacts.
Hinihingi ko na rin pala ang tulong ng lahat ng mga kaibigan kong may blogs at websites. ‘Pag na-finalize na ‘yung cd at event schedules, nawa ay maipromote n’yo sa inyong blogs at sites ang aming event. The project is not for UG alone, it would help promote Filipino Music. Lalo na ang mga independent bands.
Ngayon pa lang, parang hindi na ako makahinga sa dami ng responsibilities na naghihintay sa akin.
Sana man lang ay may mangyaring makabuluhan sa akin ngayong summer para maging masaya. At magkaroon ako ng kausap bukod kay Gavin na hindi ko alam kung bakit pinapayagan kong pagalitan ako. Tsk!
Speaking of Gavin, ayaw nyang maging angel kasi patay na raw yun. Ayaw pa raw nyang mamatay. At ayaw nya ring maging Kuya Kevin. "Gavin lang."
===============================================================
Nakapag-request na ako ng TCG at Certificate of Good Moral Character from the admin office, 'pag nai-release na 'yun on time, medyo lilinaw na ang future ko.
Kukuha na lang ako ng NBI clearance at pwede na akong sumali sa...
Bb. Pilipinas!
Mutya ng Pilipinas!
Ms. Earth!
Ms. Pluto!
Kahit Ginoong Pilipinas o Mr. Clean sasalihan ko!
'Wag na kayong umangal, suportahan n'yo na lang ako.
Wednesday, April 06, 2005
title
wala na akong maisip na title. haaaay, tapos na ang college at gagraduate na ako kung maisa-submit ni bailen ang grades ko on time. por dat, sinugod ko na siya sa bahay kanina. hehehe...
marami-rami na rin akong mga kagaguhang nagagawa matapos ang kangaragan. swimming sa zambales, dumaan sa tagaytay, tumunganga sa harap ng tv, problemahin ang full house, mamyesta sa batangas at, sa weekend, may swimming with UG peepz.
marami pa akong activities na naka-line-up: interview bukas, business meeting sa ortigas (pero extra lang ako dun), family outing sa april 16, workshop sa 17, clearance sa 18, graduation sa 24, paghahanap ng damit next week, francis m. concert sa may 7, atbp.
hindi pa kasama ang pagpuntang EK, divisoria, recto, quiapo, palawan at cagayan kasi wala pang definite schedule. tinanggihan ko na ang boracay. may swimming pa nga pala sa cavite with STS groupmates (akalain mo), malapit sa puerto azul pero nakasalalay pa 'yun kay tati.
sa madaling salita, kailangan kong magkamal nang maraming salapi upang tugunan ang aking pangangailangang sosyal. nung isang araw, naisip kong humanap ng summer job. tapos, katangahan ko, naalala kong gagraduate na nga pala ako at hindi na summer job ang kailangan kong pag-isipan.
masaya yung swimming sa zambales. hindi planado. sabado yung swimming, friday afternoon ko nalaman. at may scheduled activity rin ako dapat nung weekend na yun at na-cancel minutes after i asked kung tuloy o hindi. i was with isa, yani, leo, mark, ken, manda and terry. in less than two days nalaspag namin ang aming mga sarili sa billiards, beach volleyball, wakeboards, night swimming, boating at pagsisid sa coral reefs. pumunta pa kami sa farm nina leo at na-amaze sa "amazing fruit." ang regret ko nang weekend na 'yun ay ang magpatangay sa alon (di ko tuloy natitigan ang coral reefs) at 'di ko nahanap 'yung nagbabantay ng farm ('di ko tuloy na-drive 'yung truck).
hemingways, the old man and the sea, i think i want to sleep.
Zzzzzzzzzz...
Friday, April 01, 2005
Uh! Uh! Uh!
At last, na-update ko na itong blog. After a long time of ngaragan, nagkaoras din akong makapag-post ng mga kagagahan ko rito.
Dito ko na sisimulan... Cleng and I went to Sir Teodoro to submit the third draft of our thesis. Syempre, dapat before April 5 ay bound at nai-submit na namin sa Department. We requested Sir Teodoro to tell us what exactly would the revisions be if he finds some flaws or errors.
Kampante naman kami ni Cleng. Tahimik si Sir Teodoro at medyo kumukunot na ang noo, just imagine him doing that (if you're from Masscom, i bet you can). Okay na raw. For binding na raw...
And poof!
He became Koko Crunch!
Haaay... Seryoso na, humahanap lang ako ng paraan para tawanan 'to...
Immediately after editing and printing, pina-bind na namin. Nag-submit sa department. Tapos, sabi ni Sir... may problema kasi medyo vague pala 'yung findings at hindi namin masyadong na-explain 'yung sa analysis.
For that, binawi namin at sinabing babaguhin... (T_T)
Bound copies na 'yun... Sayang naman, pero naisip rin namin ni Cleng na nakakahiya rin kasi nasa thesis 'yung mga pangalan namin... Nakakapagod na...
Tinawagan ko pa naman ang nanay ko para sabihing maghanda na sila ng damit sa graduation... (T_T)
Haaay... Kung kelan naman akala mo tapos ka na sa lahat!
=============================================
HAPPY APRIL FOOL'S DAY!
=============================================
Tapos na ang thesis namin at for submission na... Actually, bound na rin at satisfied na si Sir sa findings. Pero medyo kinabahan din ako sa sinulat kong 'yun *knocks on wood three times*.
Eh nag-iisip naman ako ng panggago, hindi naman pwede 'yung buntis o kaya nalaman ko biglang hermaphrodite pala ako. Pero kung sakaling gawin nga 'yun ni Sir, feeling ko talaga eh dahil gusto n'ya lang talaga akong makita *wink*.
Hehehe... I-jeopardize daw ba ang thesis...
=================================================
On more serious matters...
Medyo nalulungkot na ako kasi ga-graduate na ako. Kahit na sabihing magkikita pa rin kami ng mga kaklase at kaibigan ko sa UP, hindi pa rin tulad ng dati na araw-araw may chance ka na makita sila at makakwentuhan.
Simula pa lang ng sem, may graduation anxiety na ako. Kaya naman nung midterms, it almost ate me alive. Thanks to some friends, they said it was normal. Baka nga nauna lang ako sa karamihan.
Haaay... iba 'yung feeling na tapos mo na lahat. Well, almost tapos na,'yung exams at requirements kumbaga. Masaya akong nanood ng TV (Full House, hehe) at kumain ng dinner. Para akong nakasinghot ng katol at nagpasalamat sa ilang tao, nag-sorry sa mga pagkukulang ko. Pero syempre, may mga akala-nila-tao-sila na hindi ko hihingan ng tawad (Deo Macalma, for instance *grin*).
Hahaha, patulan na ito!
*pause*
Nakakagaan pala 'yun ng loob! Now, I understand.
Hahaha!
Nasira na naman ang CNS ko.
Sa mga taong nakilala at naging kaibigan ko, nakatawanan, nakakwentuhan sandali...
Pinasaya n'yo ang college life ko. Salamat nang marami... Mami-miss ko kayo. As in!