What's your favorite disguise? [/meta]

posted by letter shredder @ 11:59 a.m. on 1/20/2006

"Great art is about conflict and pain and guilt and longing and love disguised as sex and sex disguised as love..."
                                          -- Lester Bangs, Almost Famous



Monday, May 10, 2004

posted by letter shredder at 3:42 PM

Elections 2004

Ahhhhhhh!!! sobrang hilo na ako sa Muntinlupa. Gusto ng mga tao ma-interview silang lahat. lalo na 'yung mga nagrereklamo, hinahanapan pa ako ng camera at kung anu-ano. gusto yatang sumali sa starstruck.

sa akin pa nagtatanong kung ano magagawa ko para matulungan sila.

At ang aking ginintuang linya, "Eh, reporter po ako, hindi po ako from COMELEC (sabay pakita ng ID)." considering na naka-PDI t-shirt naman ako.

pero mababait naman 'yung mga tao dito. at kahapon, may meeting 'yung PNP chief, City Treas, at election officer dahil questioned ang presence ng Marines, eh nakaupo rin ako katabi sila. yung sample ballots yata nila, pangalan ko nakalagay.

buti na lang marami akong nakaimbak na charms (sino hihingi?), kaya pinapagamit ako ng telepono at pinapapasok sa mga opisina. sabi sa COMELEC, "pasok ka lang nang pasok."

sana ngayon lang ito... at kanina, i wanted to interview the election officer at nang may mga mega tanong na ako, dumating ang 'sangkatutak na mga tao, may dalang flying voters. may pulis na may riffle, at mga galit na election assistants.

feeling ko pag nagsasagutan sila, may susuntok na...

'sangkatutak na social life...

0 revealed their disguise